bakit ganun? ginagawa mo naman ung mga dapat at tamang gagawin pero may mga tao na para lang mailigtas ang kanilang sarili sa mga sitwasyon ay ang gagawa ng paraan para ikaw ang masisi at masira sa iba.
bakit ganun? ikaw na nagsisikap para maging maginhawa ang buhay mo at ng pamilya mo. pero may ibang tao na pilit kang sinisiraan para malugmok ka ulit sa sa kahirapan at dadagdagan pa ng kahihiyan.
bakit ganun? nagsabi ka na tutulong ka sa ibang tao lalo na't kung kaya mong ibigay ang hinihingi nilang tulong. pero may sitwasyon na kahit gusto mo silang tulungan hindi naman kaya ng powers mo at wala sa tamang panahon o sitwasyon. tapos sasabihin nila sayo na hanggang salita ka lang at sa kasiyahan ka lang maaasahan.
bakit? bakit? bakit?
Wednesday, September 5, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

3 comments:
musta nerissa sino na naman yang pinatatamaan mo.
wala naman gusto ko lang sabihin yun. kung sino lang yung nakakarelate kasi naeexperience ko yan kulang pa nga yan. dadagdagan ko pa!
ah ok. sige dagdagan pa natin.
Post a Comment